^

PSN Palaro

Watch out for MIT’s Kelvin Dela PeÑa!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Isang malaking dahilan kung bakit maganda ang inilalaro ngayon ng Mapua ay ang prized rookie catch nila na si Kelvin dela Peña. Si Kelvin ay actually nandito na since last year pa, at naka-enrol na sa MIT at nag-residence for one year. Siya ay galing sa Mount Royal High School sa Canada.

Dating player ng Mapua ang father ni Kelvin at nung isang taon, I had the pleasure of meeting him, pati na rin ang mother niya. May isa pa siyang kapatid na magaling ding mag-basketball although parang mas pinili pa yata nitong mag-aral muna sa US. Mababait ang mga magulang ni Kelvin at thoughtful pa. Kahit na nasa US na sila eh nagi-email pa sila sa akin para mangumusta lang.

Ngayong year na ito ay rookie year ni Kelvin para sa MIT at sa NCAA.

Excited siyang maglaro at excited din siyang makita ng mga Mapuans na maglaro dahil mukhang may ibubuga ang bata. And true enough. Nung first game pa lang ng MIT sa NCAA 2005 season ay kinakitaan na ng promise sa paglalaro itong si Kelvin. Sa second game nila against JRC, siya na ang napiling best player of the game.

May tibay ng dibdib, may mautak na diskarte sa laro, at mahusay makisama. Yan ang traits ni Kelvin sa paglalaro na maaaring maghatid sa kanya to NCAA stardom. Bukod d’yan, kuha niya rin ang kumpiyansa ni Coach Horacio Lim.

Watch out for this guy in the NCAA!
* * *
Nakaka-dalawang sunod na panalo na rin ang Letran Knights.

Yan ay kahit wala na si Ronjay Enrile sa line-up nila.

Mukhang determinado si Coach Louie Alas na maibalik sa kampo nila ang korona ng senior division.

Mukhang ang sophomore na si JP Alcaraz naman ang lumalabas na pambato nila ngayong wala si Ronjay Enrile.

Itong si Alcaraz ay natatandaan kong top player ng Las Piñas College several years ago.

Doon yata siya nakuha ni Louie Alas.

With Alcaraz over at Letran, mukhang di na yata mami-miss ng Letran Knights si Enrile.
* * *
Personal lang: Salamat kay Jerry at sa lahat ng staff ng Goldcars Car Accesories, speedy recovery para sa mother ni katotong Cristy Fermin, at para sa latest in showbiz and sports news, text lang kayo NAP ON sa 34822 para sa Talk N Text at Smart subscribers......

vuukle comment

ALCARAZ

COACH HORACIO LIM

COACH LOUIE ALAS

CRISTY FERMIN

GOLDCARS CAR ACCESORIES

KELVIN

LAS PI

LETRAN KNIGHTS

RONJAY ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with