Kahapon, sa isinagawang special General Assembly sa Milky Way Restaurant sa Makati City, bumilang ang POC ng 33 boto buhat sa mga Na-tional Sports Associations (NSAs) na naging daan para patalsikin ang BAP.
Ayon kay POC presi-dent Jose Peping Cojuangco, Jr., umaasa siyang matatanggap kaagad ng FIBA International at ng FIBA-Asia ang kanilang liham na nagsasaad na nasibak na ang BAP.
"We are hoping that it will be sent in time for the FIBA Board to decide and the actions to be taken," ani Cojuangco.
Kung hindi agad matatanggap ng naturang world basketball body ang kanilang liham, sinabi ni Cojuangco na malaya ang BAP na makasali sa 2005 South East Asia Basketball Association (SEABA) Mens Cham-pionship sa Hulyo 5 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
"Mahirap talaga ta-yong mapapayag kung ang ipapadala natin ay yung team na hindi magpe-perform ng mabuti," wika ng POC chief. "Masyado tayong mapapahiya sa mga ganoong tournament. Siguro wala nang time to do something about that."
Isasabak ng BAP ang tropa ni Boysie Zamar kasama sina PBL cagers Jon Dan Salvador, Cesar Catli, Dennis Miranda at JR Reyes, pawang inirekomenda ni Chot Reyes.
Ang SEABA ang qualifying event patungo sa 2006 FIBA-Asia Cham-pionship sa Doha, Qatar. (Ulat ni Russell Cadayona)