At habang ang Most Valuable Player award ay pinaglalaban ng tatlo, ang energetic Shell forward naman na si Alvarez ay nakalayo na kay Yap sa statistical race matapos ang semifinal round.
Mula sa napakalaking statistical point na abante na 184.8 sa elimination round, higit pang pinalaki ni Alvarez ang kanyang bentahe sa 1,183.8 statistical points laban kay Yap na may 953.1 SPs matapos na mapatalsik ng Turbochargers ang Hotdogs para sa ikalawang sunod na kumperensiya sa quarterfinals.
At sa pagtatapos ng eliminations, humakot din ang top rookie pick ng 1,113.6 SPs na sapat para sa 18th place sa MVP race, habang si Yap naman ay may 928.8 SPs at wala sa top 30 players ng season matapos ang tatlong kumperensiya.
Ngunit ang statistics sa actual games ay kumakatawan lamang ng 30 porsiyento. Ang 70 porsiyento sa pagpili ay 30 sa sports media, 30 sa player at 10 sa committee na binubuo ng ABC-5, Philippine Sportswriters Association at SCOOP.
At ang resulta, ilan sa mga karera para sa MVP ay nadudungisan sa kampanya ng mga agents ng players, managers at PR practitioner.
Matapos ang elimination round ng PBA Fiesta Confe-rence, bumabandera si Mark Caguioa ng Barangay Ginebra para sa karera sa MVP na may 1,882.9 SPs. Kasunod ang kakamping si Eric Menk na ilang beses humakot ng conference honors at Finals MVP sa huling dalawang conference na may 1,824.8 SPs bago napatalsik ang Kings sa wild-card phase.
Sumusunod naman sina Willie Miller ng Talk N Text at ang kakamping si Jimmy Alapag, na may 1,764.6 at 1,577.9 SPs, ayon sa pagkakasunod habang lumagpak sa ikalimang puwesto si Rodney Santos ng Ginebra na may 1,517.2 SPs.
Dumidikit si Miller, 2002 MVP, kina Menk at Caguioa matapos na umabante ang Phone Pals sa Fiesta Cup Finals kontra sa San Miguel Beer.