^

PSN Palaro

Manalo tuloy ang pananalasa

-
Pinalawig ni Marlon Manalo ang kanyang pananalasa nang pigilan nito ang upset-conscious na si Jundel Mason, 7-3 at makapuwesto sa main draw ng Philippine Inter-national Open 9-Ball Championship sa Robin-son’s Galleria Trade Hall.

Si Manalo, na naghari sa mga pangunahing tor-neo sa Amerika, ay halos lumasap ng pagkasilat noong Sabado ng gabi makaraang maghabol ito sa 5-6 sa kababayang si Dennis Orcullo. Ngunit nagawa pa ring makuha ni Manalo ang panalo.

Pero ngayon higit na nagtala ito ng kumbinsi-dong tagumpay.

Naka-usad din sa main draw ng torneong ito na suportado ng Motolite, Cafe Puro at Emperador Brandy ay sina Patrick Ooi, Ibrahim Bin Amir, Imran Majid, Venancio Tanio, Gandy Valle at Roberto Gomez.

Pinayuko ni Ooi si Sheng Ping Pang, 7-3; dinaig ni Amir si Konstan-tin Stepanov, 7-6; pina-bagsak ni Majid si Tatsu-hiro Ohmoto, 7-2; dinu-rog ni Gomez si Che Wei Fu, 7-3; naungusan ni Valle si Carlo Biado, 7-3; at namayani naman si Tanio kay Pelayo, 7-4.

Makakasama nila ang mga seeded players sa torneo na sina home bets Efren ‘Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Busta-mante at Alex Pagulayan, Americans Johnny Ar-cher, Gabe Owen, Corey Deuel, Rodney Morris at Charlie Williams Euro-pean pool stars Mika Immonen, Thorsten Hoh-mann, Neils Feijen, Tony Drago, Marcus Chamat at Thomas Engert, Taiwa-nese big guns Yang Ching Shun at Wu Chia Ching at ang mga Japanese aces na sina Satoshi Kawabata at Kunihiko Takahashi at ang Korean na si Jeong Young Hwa.

ALEX PAGULAYAN

AMERICANS JOHNNY AR

BALL CHAMPIONSHIP

CAFE PURO

CARLO BIADO

CHARLIE WILLIAMS EURO

CHE WEI FU

COREY DEUEL

DENNIS ORCULLO

EMPERADOR BRANDY

GABE OWEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with