^

PSN Palaro

Hamon kay Baculi

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Simula sa araw na ito ay uupo sa ‘hot seat’ si Junel Baculi, ang bagong coach ng Philippine Christian University Dolphins, na siyang nagtatanggol na kampeon sa senior division ng 81st National Collegiate Athletic Association.

Makakalaban ng Dolphins mamayang 2 pm ang San Beda Red Lions na hawak naman ni Nash Racela na nasa ikalawang taon niya sa NCAA.

Magandang duwelo ito. Kasi nga’y gutom na gutom na ang San Beda para sa isang kampeonato. Huli silang nagkampeon noong late 70s pa nang sina Chito Loyzaga pa ang kuma-katawan sa Red Lions.

Ngayon nga’y pinaghandaang mabuti ng San Beda ang NCAA sa pamamagitan ng paglahok sa PBL Unity Cup kung saan ang dinala nilang pangalan ay Negros Navigation. Kahit pa sabihing nangulelat sila sa torneong iyon at hindi man lang nakatikim ng isang panalo, malaking bagay pa rin ang karana-sang napulot nila sa PBL.

Kaya nga iyon ang bumabagabag kay Baculi. Alam niyang hindi basta-basta ang San Beda ngayon lalo’t intact ang team at umakyat ang apat na superstars buhat sa Red Cubs.

Malaki talaga ang pressure sa balikat ni Baculi. Kasi nga, siya lang ang bagong karagdagan sa koponan ng PCU. Panay beterano ang kanyang players at siya lang ang naiba. Kasi nga’y hinalinhan niya si Loreto Tolentino na siyang naghatid sa Dolphins sa kampeonato noong isang taon. Nagbawas ng hahawakan si Badolato dahil sa bukod sa PCU ay siya din ang coach ng Universityof Manila at Rizal Technological Univer-sity.

Siguro, sa isipan ni Tolentino, tutal ay naibigay na niya ang kauna-unahang kampeonato ng PCU sa NCAA, "it’s time to move on." Kumbaga’y wala nang makakadaig sa kanyang record. Isang kampeonato sa isang taon.

Kaya naman talagang may pressure sa balikat ni Baculi. Kailangang mag-deliver siya. Mataas ang expectation ng PCU community dahil nga sa intact ang line-up ng Dolphins. Kumbaga’y walang dahilan para hindi sila makarating sa Finals.

Pero siyempre, lahat din naman ng pitong iba pang kalahok sa NCAA ay nag-improve. Lahat ng ibang team ay iisa ang pakay: Pabagsakin ang Dolphins. Kaya nga tiyak na sa bawat laro ng PCU, parang nasa pressure cooker si Baculi. Palagi siyang maikukumpara kay Tolentino.

Pero handa naman si Baculi sa panibagong hamon na ito, e. Bihasa na siya sa pressure. Ilang taon na rin naman siyang nag-coach sa PBL kung saan nabigyan niya ng kampeonato ang Welcoat at ang Lamoiyan franchise.

Halos isang taon ding nawala sa eksena si Baculi. Ngayon ay tiyak na sa kanya matutuon nang husto ang NCAA spotlight.

BACULI

CHITO LOYZAGA

JUNEL BACULI

KASI

KAYA

KUMBAGA

LORETO TOLENTINO

NASH RACELA

NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with