81st NCAA season di-dribol ngayon
June 25, 2005 | 12:00am
Matapos makopo ang kauna-unahang basketball title noong nakaraang taon, ang hirap ng pagdedepensa ng titulo naman ang haharapin ngayon ng Philippine Christian University sa pagbubukas ngayon ng 2005 season ng National Collegiate Athletics Association sa Araneta Coliseum.
Ang unang asignatura ng PCU Dolphins ay ang San Beda College sa una sa apat na sultadang nakatakda ngayon sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng isang oras na opening ceremonies na sisi-mulan eksaktong ala-una ng hapon.
Isang makulay na programa ang inihanda ng host na Colegio de San Juan de Letran na binigyang importansiya ang mga estudyante sa taong ito sa pagbibigay ng malaking involvement sa pagdaraos ng ika-81st season ng pinakamatandang liga sa bansa.
Malaking responsibilidad ang nakaatang ngayon sa bagong coach ng Philippine Christian na si Junel Baculi, beterano ng Philippine Basket-ball League kung saan napag-kampeon niya ng limang beses ang Welcoat at tig-isa ang Dazz Dishwashing at Hapee Toothpaste.
Kaya aasa ito sa Rookie of the Year at Most Valuable Player noong nakaraang taon na si Gabby Espinas na susuportahan nina 64 Robert Sanz, 64 Ian Garrido, 57 Mon Retaga Jr. at 510 Jason Castro at ng dalawang rookies na sina si Leima Navarro at 64 Jona-than Rivera na galing sa roster ng kanilang juniors squad.
Hangad naman ng SBC Red Lions na makabawi sa kanilang fourth place finish noong nakaraang taon sa tulong ni coach Nash Racela at solidong suporta ng 6-foot-4 at PBL veteran na si Jerome Paterno, 61 Marco Arbole, 511 Alexander Angeles at 59 Francis Cruz.
Sa ikalawang laro, alas-4:00 ng hapon, maghaharap naman ang University of Per-petual Help Dalta System at ang host School na Letran Knights kasunod ang eng-kwentro ng San Sebastian College at Mapua Institute of Technology habang sa ikaapat at huling laro ay ang duelo ng Jose Rizal University at College of St. Benilde. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am