Ayon kay BAP president Joey Lina, gagamitin niya ang lahat ng paraan upang iapela sa POC ang kanilang suspension.
"We will continue to reach out to them. We will use every avenues to achieve unity in sports," wika ni Lina kahapon sa kanyang panawagan kay POC chief Jose Peping Cojuangco, Jr.
Itinakda ng POC Executive Committee, nagrekomenda sa pagsibak sa BAP bilang miyembro, ang isang special General Assembly sa Hunyo 30.
"Changes are being institutionalized and hopefully, this thing can be amicably settled for once and for all," sabi ni Lina, pumalit kay dating BAP head Tiny Literal.
Kaugnay nito, payag rin ang BAP na makipag-isa sa mga incorporators na nagtatayo sa Philippine Basketball Federation, Incorporated (PBFI) na nabigong makapagdaos ng eleksyon noong Huwebes.
"The BAP will go out of its way to invite and cooperate with all basketball organizations, alliances and federations in the country, for the sake of unity in sports," dagdag ni Lina. (Ulat ni R. Cadayona)