2005 Shakey’s V-League first conference: UST, La Salle mag-uunahan

Ang paghahabol sa finals berth sa 2005 Shakey’s V-League first conference ay mag-iinit na ngayon sa paghaharap ng University of Santo Tomas at Ateneo na kapwa naghahangad ng solo liderato kung saan umaasam naman ang La Salle na makasosyo dito sa kanilang pakikipaglaban sa wala pang panalong San Sebastian sa panimula ng second round sa Rizal Coliseum.

Ang three-way battle para sa pangunahing dalawang puwesto ay lumilinaw matapos ang unang round kung saan pinatunayan ng La Salle at UST ang pagiging pre-tournament favorite habang nagpakitang-gilas naman ang Ateneo sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang tatlo ay kapwa may hawak na 2-1 win-loss card patungo sa huling tatlong laro kung saan asam ng Tigress na maulit ang panalo nila laban sa Lady Eagles sa kanilang engkuwentro sa ganap na alas-5 ng hapon habang pinapaboran naman ang Lady Archers sa inaalat na San Sebastian Lady Stags sa ganap na alas-3 ng hapong bakbakan. Wala pa ring panalo ang Lady Stags matapos ang tatlong laro sa torneong ito na suportado din ng Accel, Mikasa, Dunkin‚ Donuts, IBC-13 at Jemah Television.

Samantala, ang La Salle-SSC match ay ipapalabas ngayong alas-7 ng gabi habang ang Ateneo-UST duel ay bukas ng alas-7 ng gabi sa IBC-13

Show comments