Unang titulo nais sundan ni Manalo
June 22, 2005 | 12:00am
Nais ni Marlon Manalo na mabilis na kasunod sa kanyang unang major 9-ball title. Pero kailangan niya ng mahabang ruta.
Sariwa pa mula sa kanyang panalo sa Reno Open sa Nevada, USA, pangungunahan ng dating snooker champion ang mahabang listahan ng kumakampanya sa Philippine International 9-Ball Open qualifying round sa June 25-26 sa Robinsons Galleria Trade Hall.
Ang top 12 finishers sa double knockout event ay makakasama ang 20 seeded players sa main draw sa pinakamalaking billiards open sa bansa.
Nakasiguro na ng puwesto sa main draw ay sina Pinoy Efren Bata Reyes, Francisco Django Bustamante at Alex Pagulayan, Americans Johnny Archer, Gabe Owen, Corey Deuel, Rodney Morris at Charlie Williams, European pool stars Mika Immonen, Neils Feijen, Thorstenn Hohmann, Tony Drago, Marcus Chamat at Thomas Engert, Taiwanese big guns Chao Fong Pang, Yang Ching Shun at Wu Chia Ching, Japanese aces Satoshi Kawabata at Kunihiko Takahashi at Korean Jeong Young Hwa.
Tatlong Pinay players Mary Ann Basas, Rubileen Amit at Irish Rañola ang magbabakasakali din sa limang araw na event na isasa-ere ng live sa Solar Sports mula alas-2 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am