Ikalawang sunod na panalo ang target ngayon ng Phone Pals at Beer-men sa pagpapatuloy ng best-of-five semifinal series sa Araneta Coli-seum.
Ngunit sa pagkakataong ito, nagkaroon ng dalawang araw ang Red Bull at Shell na makapagpahinga at paghandaan ang Game-Two ng serye.
Mauunang magsasagupa ang SMBeer at ang Barakos sa laro, alas-4:45 ng hapon habang alas-7:35 naman ng gabi ang sagupaan ng Turbo Chargers at Talk N Text.
Dala ng kapaguran sa dinaanang wild card phase at quarterfinal se-ries, natalo ang Shell sa Phone Pals, 74-97 sa pagbubukas ng semis round noong Linggo.
Hindi naman napakinabangan ng Barakos ang pagkawala ni Danny Seigle na siyang dahilan ng kanilang maglagok ng 81-89 pagkatalo laban sa SMBeer.
Wala pa ring katiyakan kung makakalaro ngayon si Seigle na nagkaroon ng injury sa right ankle noon pang May 18 sanhi ng kanyang pagmi-miss ng huling apat na laro ng San Miguel sa eliminations.
Kapwa di naasahan ang mga imports ng Phone Pals na si Jerald Honeycutt at Shell import Ajani Williams na di nakapagsumite ng double figures sa Game-One ngunit di gaya ng Turbo Chargers, nagawang lukuban ng mga locals ng Talk N Text ang kahinaan ng kanilang import para dominahin ang laro.
Kung wala pa rin si Seigle, muling sasandal si coach Jong Uichico kina import Chris Burgess, Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso at iba pa laban kina import Earl Barron, Enrico Villanueva, Jimwell Torion at iba pa.
Ang mananalo sa seryeng ito ay siyang magtutuos sa best-of-seven championship series para sa titulong nabitiwan ng Barangay Ginebra na nasibak ng Barakos sa quarterfinals. (Ulat ni CVOchoa)