^

PSN Palaro

King hari sa Open Masters

-
Gumawa ang Filipino bowler na si Chester King ng isang upset nang kanyang talunin ang top seed na si Hsiao Chin Liang ng Chinese Taipei para sa korona ng Men’s Open Masters title sa 34th PBC-Euromed International Open sa Pearl Bowling Center sa Parañaque City kahapon.

Naglabas ng agresibong performance, nanaig ang 29-anyos na si King sa kanyang unang laban, 232-180 laban kay Hsiao upang ipuwersa ang sudden-match na kanyang pinagwagian rin sa iskor na 210-192.

Kumita si King ng P150,000 para sa kanyang panalo, habang nag-uwi naman si Hsiao ng P75,000 sa event na ito na inorganisa ng Philippine Bowling Congress at sanctioned ng Asian Bowling Federa-tion.

Unang pinatalsik ni King ang first-block leader at second seed Taiwa-nese na si Cheng Chao Sheng at ang first match winner Australian Andrew Frawley, 236-221 sa second match upang isaayos ang kanilang championship showdown

Samantala, sa Ladies Masters division, sinungkit ni Tsai Hsin Yin ng Taiwan ang top-ranked at kababayang si Wang Yu Ling para sa korona.

Hiniya ng 36-anyos na is Tsai si Wang sa unang laban, 197-183 at nanalo rin siya sa second match, 256-223 upang kunin ang P100,000 (US$1,800) top prize.

vuukle comment

ASIAN BOWLING FEDERA

AUSTRALIAN ANDREW FRAWLEY

CHENG CHAO SHENG

CHESTER KING

CHINESE TAIPEI

EUROMED INTERNATIONAL OPEN

HSIAO

HSIAO CHIN LIANG

LADIES MASTERS

OPEN MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with