^

PSN Palaro

UST Tigress nagpakita na ng pamatay na porma

-
Ipinakita na ng defending champion University of Santo Tomas ang tunay nilang pamatay na porma nang hiyain nila ang San Sebastian College, 25-13, 28-26, 25-20, sa panimula ng semifinal round ng 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Memorial Coli-seum.

Matapos mangapa sa elimination round kung saan nagtala lamang sila ng 7 panalo sa 10 asignatura, mas maganda ang inilaro ng Tigress at ipinamalas ang pamatay nilang porma nang pigilan nila ang pag-atake ng Lady Stags sa pamamagitan ng solidong depensa at trangkuhan ang kanilang isang oras at 10 minutong laban.

Nagsosyo sina first conference MVP Mary Jean Balse, Roxanne Pimentel at Venus Bernal ng pinagsamang 35 puntos para sa España-base spikers na ang straight set na panalo ay nagbigay hudyat sa kanilang kampanyang mapanatili ang kanilang korona sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at naghahanda sa kanilang inaasahang malakas na laban kontra sa Ateneo bukas.

"I told the girls to step up kasi semifinals na ito," ani UST coach August Sta. Maria, kung saan inaasahan ng kanyang mga bataan ang malakas na duelo na magmumula sa Lady Eagles bukas.

Ang solidong laro ng Tigress ay pumigil din sa pananalasa ni Cherry Rose Macatangay na nagtala ng game-high 22 puntos para sa San Sebastian sa event na ito na suportado din ng Mika-sa, Dunkin‚ Donuts, IBC- 13 at Jemah Television.

Kasalukuyang naglalaro pa ang elimination topnotcher La Salle at Ateneo habang sinusulat ang balitang ito.

ATENEO

AUGUST STA

CHERRY ROSE MACATANGAY

JEMAH TELEVISION

LA SALLE

LADY EAGLES

LADY STAGS

MARY JEAN BALSE

RIZAL MEMORIAL COLI

ROXANNE PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with