^

PSN Palaro

PUTOK NA PUTOK SI MAMARIL

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Malaking bagay si Billy Mamaril sa Shell Velocity at ito’y muli niyang pinatunayan sa nagdaang quarterfinals kung saan nakatapat ng Turbo Chargers ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs. Dinaig ng Shell ang Purefoods, 2-0 upang tuluyang pumasok sa semifinals kung saan makakasagupa naman nila ang Talk N Text.

Bukod sa pumupuntos si Mamaril ay magandang depensa din ang kanyang ipinamalas laban sa Purefoods import na si Marcus Melvin.

Sa Game One pa lang ng serye ay kitang-kita na kung anong klaseng depensa ang inilaan ng Turbo Chargers kay Melvin. Ang import na si Ajani Williams ang siyang gumuguwardiya kay Mevin kapag malayo pa siya sa goal. Kapag nagsagawa ng drive si Melvin ay sasalubungin siya ni Mamaril.

Liban kay Mamaril ay hindi nakaka-shoot si Melvin. Napipilitan si Melvin na baguhin ang kanyang tira at nagmimintis nga siya. Marami nga ang naiinis kay Melvin dahil bilang import, dapat ay idinuduldol niya ang bola. Dapat ay dinodomina niya si Mamaril dahil sa import nga siya at mas matangkad siya kaysa dito.

Pero hindi ganoon ang nangyayari. Napipigilan siya ni Mamaril. At dahil sa nahihirapan ang mga locals ng Purefoods na pumuntos at hindi naman umiikot nang maayos ang bola. Hayun, nakokontrol ng Shell Velocity ang laro.

Kaya naman nasa semifinals na ang Turbo Chargers. Nakakabilib talaga dahil sa pang-siyam sila sa classification round at may twice-to-beat disadvantage laban sa Sta. Lucia Realty sa kanilang labanan sa ‘wild card’ phase. Ngayon ay ikaapat na puwesto ang pinakama-samang pwedeng mangyari sa Turbo Chargers. E, kung makalusot pa sila sa Phone Pals?

Laban sa Phone Pals, malaking papel pa rin ang gagampanan ni Mamaril lalo na kung makapaglalaro na si Paul Asi Taulava. Tiyak na si Mamaril ang paguguwardiyahan dito.

Siguro, iniisip ngayon ng Purefoods na dapat ay hindi na lang nila ipinamigay si Mamaril sa Shell kapalit ni Eddie Laure na hindi naman nila gaanong napapakinabangan. Biruin mo nga namang may sentro na ang Hotdogs sa katauhan ni Mamaril ay nawala pa ito. Naiwanan sina Kerby Raymundo at Richard Yee. Matindi sana ang magiging rotation sa gitna ng Hotdogs kung nasa kanila pa si Mamaril.

At dahil alam ng Shell ang kahalagahan ni Mamaril sa kanilang organisasyon, aba’y hindi nga natuloy ang palitang Mamaril at Rommel Adducul.

Sa tutoo lang, malaki ang potential ni Mamaril na maging dominant big man sa PBA. Kaya nga may nagsasabing dapat ay nakabilang siya sa pool ng national players ni coach Vincent ‘Chot’ Reyes.

Kasi nga, itong si Mamaril, kahit kailan ay hindi umaatras sa labanan. E, paano pa kung bayan ang ipinaglalaban?
* * *
BELATED birthday greetings kina Barangay Ginebra team manager Allan Caidic, ex-PBA cager Paul Alvarez, Felvino Cannu at Chito dela Vega (from Dina V.) na kapwa nagdiwang noong Hunyo 15.

AJANI WILLIAMS

ALLAN CAIDIC

BARANGAY GINEBRA

BILLY MAMARIL

MAMARIL

MELVIN

PHONE PALS

PUREFOODS

SHELL VELOCITY

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with