Humatak ng lakas ang Lady Eagles mula kina Cecille Tabuena at Amelia Guanco at sa malagkit na depensa ni Michelle Laborte, na kumana ng 9 blocks upang tulungan ang koponan sa kanilang ikaanim na panalo at apat na talo.
Kumuha naman ng malaking laro ang FEU kay Ruby Rovira na may 17 puntos at sa pinagsamang 22 puntos nina Guenavere Baquir at Mary Ann Manalo, ngunit hindi sapat para sa Lady Tamaraws na mamin-tina ang ikaapat na set at ibigay sa Lady Eagles ang panalo.
Nagtapos ang Lady Tamaraws na may 2-8 marka sa torneong hatid ng Shakeys Pizza at suportado ng Mikasa, Dunkin Donuts, Sportshouse, IBC-13 at Jemah Television.
Ang panalo ay nagpalakas naman sa loob ng Ateneo sa kanilang kampanya sa semis bagamat kailangan nila ng dobleng pagsisikap kontra sa La Salle spikers sa susunod na yugto.