2005 Shakeys V-League first conference: Lady Tams taob sa Lady Eagles
June 17, 2005 | 12:00am
Nangailangan ng extra set at maraming pasensiya ang Ateneo upang igupo ang mahigpit na nakipaglaban na Far Eastern University, 26-24, 18-25, 25-22, 25-18, at tumapos na pang-apat kahapon sa pagsasara ng double-round elims ng 2005 Shakeys V-League first conference sa Rizal Coliseum.
Humatak ng lakas ang Lady Eagles mula kina Cecille Tabuena at Amelia Guanco at sa malagkit na depensa ni Michelle Laborte, na kumana ng 9 blocks upang tulungan ang koponan sa kanilang ikaanim na panalo at apat na talo.
Kumuha naman ng malaking laro ang FEU kay Ruby Rovira na may 17 puntos at sa pinagsamang 22 puntos nina Guenavere Baquir at Mary Ann Manalo, ngunit hindi sapat para sa Lady Tamaraws na mamin-tina ang ikaapat na set at ibigay sa Lady Eagles ang panalo.
Nagtapos ang Lady Tamaraws na may 2-8 marka sa torneong hatid ng Shakeys Pizza at suportado ng Mikasa, Dunkin Donuts, Sportshouse, IBC-13 at Jemah Television.
Ang panalo ay nagpalakas naman sa loob ng Ateneo sa kanilang kampanya sa semis bagamat kailangan nila ng dobleng pagsisikap kontra sa La Salle spikers sa susunod na yugto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am