^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Welcoat Champion

-
Simula na muli ng pagbuo ng dinastiya ng Welcoat Paints.

Tapos na ang paghahanap ni coach Caloy Garcia ng titulo.

Nakabawi na ang Paint Masters sa Montaña.

Natupad ang lahat ng ito matapos makopo ng Welcoat ang titulo sa PBL Unity Cup nang kanilang tapusin ang titular showdown laban sa Jewels sa pamamagitan ng 98-80 panalo sa Game-Four sa Cuneta Astrodome kahapon.

Hindi na napigilan ang pagbagsak ng mga lobo at confetti gayundin ang naudlot na selebrasyon ng Paint Masters nang tuluyan na nilang tapusin ang best-of-five cham-pionship series sa 3-1 panalo-talo.

Matapos maglaho ang 12-puntos na kalamangan nang makabangon ang Jewels upang kunin ang 43-42 trangko sa pagsapit ng halftime.

Positibo ang naging responde ng mga players nang kanilang limitahan sa siyam na puntos ang Montaña sa ikatlong quarter kasabay ng kanilang paghakot ng 17-puntos para sa 59-52 kalama-ngan papasok sa final canto.

Sa wakas ay nakamit na ni Garcia ang kauna-unahang titulo matapos maunsiyami sa kanyang unang dalawang pagtatangka at nakaganti rin ang Welcoat sa Jewels sa kanilang pagkatalo sa nakaraang PBL Championship Cup.

"I would like to thank Terry Que and Raymund Yu for giving me a chance to give Welcoat another title and I also want to thank coach Leo Austria (ang kanyang mentor)."

Naisubi ng Paint Masters ang kanilang ikapitong titulo matapos dominahin ang dekada 90 bago nila tinuldukan ang kanilang naitatag na dinastiya sa pagkopo ng titulo noong 2002 sa ilalim ni Austria kung saan umaasiste si Garcia noon.

Nakuntento naman ang Montaña sa runner-up trophy.

Tinanghal na final MVP si Washington na tumapos ng 25-puntos habang si Najorda naman ang napiling Pivotal Player na siyang naging susi sa pagkawala ng Paint Masters tungo sa kanilang tagumpay. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

CALOY GARCIA

CARMELA V

CHAMPIONSHIP CUP

CUNETA ASTRODOME

GARCIA

KANILANG

LEO AUSTRIA

MONTA

PAINT MASTERS

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with