Si Ong, ang reigning Philippine Open youth champion at 2003 Guam International Open men's masters titlist, ay nagpagulong ng 2121 series (167-276-194-235-213-208-224-190-215-199) upang ibulsa ang boys title at halagang P15,000 cash.
Pumangalawa naman si Khalid Al-Dubyan ng Kuwait at ikatlo ang isa pang Pinoy na si Ian Dychangco.
Nagpagulong naman ang Philippine-based na si Limansantoso, sa linya ng 161, 190, 191, 199, 175, 224, 235, 200, 196 at 160 para sa kabuuang 1931 pinfalls para naman iuwi ang girls trophy at halagang P12,000. Nagtapos naman sina Cheche Abrantes (1892) at Ditas Red (1879) ng second at third, ayon sa pagkakasunod.
Sa overseas pool, bumabandera naman si Shaker Al-Hassan (1077) sa mens open division. Mahigpit na kasunod sina Thai Yannaphon Larpa-pharat (1018) at isa pang Thai na si Surasak Manuwong, sa ikatlo 1016. Ang iba pang qualifers ay sina Malaysian Zulmazran Zulkifli (994), Kuwaiti Fadehel Ali Mousawi (983) at Singaporean Shaun Ng (974).
Sa kababaihan naman nangunguna ang Malaysian na si Tang John Six na may 914 series kasunod si Singaporean Yap Seok Kim (866), Indonesian Sharon Limansantoso (852), Thai Lukkhana Panya (849), Singaporean Jennifer Tan (843) at Malaysian Choy Poh Lai (834).
Samantala, namumuno naman ang RP-Eastwood team nina CJ Suarez, Markwin Tee at Chester King (1360) at ang PBAP-Bowlmart squad nina James dela Cruz, Masa Ishizuka at Johnson Cheng (1230) sa men's trios sa open at graded divisions.