PBA Gran Matador Fiesta Conference: Sino ang susunod na uusad sa semis?
June 15, 2005 | 12:00am
Isa na namang round ng best-of-three series ang sisimulan ngayon para sa quarterfinal round ng PBA Gran Matador Fiesta Conference na magpapatuloy sa Araneta Coliseum.
Ang unang laban ay sa pagitan ng Purefoods at Shell sa ganap na alas-4:45 ng hapon at sa kabilang panig naman ay ang sagupaan ng Red Bull at Alaska sa dakong alas-7:35 ng gabi.
Paglalabanan ng TJ Hotdogs at ng Turbo Chargers ang karapatang harapin ang Talk N Text na nakaabang na sa semifinals kasama ang San Miguel na makakaharap naman ng mananalong koponan sa pagitan ng Barakos at ng Aces.
Kapwa seeded ang ang Phone Pals at SMBeer makaraang kunin ang top-two spots na may biyayang awto-matikong semifinal slots.
Ang Shell ang pinaka-underdog na pumasok sa round-of-eight bilang No. 9 team matapos kumpletuhin ang dalawang panalong kailangan laban sa No. 4 na Sta. Lucia na nawalang saysay ang nakuhang twice-to-beat advantage sa wild card phase.
Tulad ng Turbo Chargers, underdog din ang No. 8 na Purefoods kontra sa No. 5 na FedEx sa kanilang wild card match at nanaig din ang Hotdogs sa kanilang best-of-three serye, 2-1. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest