Ito ay sa kabila ng pagkakasuspindi ng BAP, iniupo si dating Laguna Governor at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina bilang presidente, bilang miyembro ng General Assembly noong Mayo galing sa rekomendasyon ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ang binuong basketball working committee sana ang siyang magpa-padala ng tropa sa naturang torneo. Subalit ayon kay national training director Chot Reyes, kapos na sila sa panahon.
"Hindi sila kapos sa panahon kundi hindi sila recognize ng FIBA-Asia to represent our country," wika ng isang BAP official sa grupo ni Reyes.
Inamin kamakailan ni POC chairman Robert Aventajado na patuloy pa ring kikilalanin ng FIBA-Asia ang BAP bilang tanging basketball association sa bansa.
Nagpatawag ng isang tryout si Reyes noong nakaraang linggo para sa pagbuo ng isang national women's squad na ilalaban sa FIBA-Asia sa China.
Ayon sa BAP, makabuo man ang tropa ni Reyes ay isasabak pa rin nila ang grupo ni mentor Raymund Celis na kinabibilangan nina Estrelita Enriquez, Char-maine Salalila, Shella Esteban, Eli Lizondra, Marsha Faustino, Aurora Adriano, Katrina Nido, Divina Reyes, Matilde Carreon at Diana Jose. (Ulat ni Russell Cadayona)