Tigress nakaganti sa Lady Stags
June 12, 2005 | 12:00am
Pinayuko ng University of Santo Tomas ang San Sebastian College sa isang non-bearing pero importanteng laban, 25-14, 25-17, 25-15 sa Shakeys V-League first conference sa PhilSports Arena.
Ito ang ikaanim na panalo ng Tigress kontra sa tatlong talo kung saan umaasa ang defending champion na masustina ang momentum para sa kanilang pinal na elimination game kontra sa walang talo na La Salle bukas patungo sa mahigpitang semifinal phase, na isa na namang double round robin affair na nakatakda sa susunod na linggo.
Ang San Sebastian, ang sorpresang koponan sa torneong itinataguyod ng Shakeys Pizza, ay nalasap naman ang ikala-wang kabiguan sa walong laro ngunit kumpiyansa pa rin na maibabalik ang pormang naglagay sa Lady Stags ng mas maaga sa isa sa semis berth.
Nauna rito, inulit ng Far Eastern University ang kanilang paggupo sa Lyceum, 25-14, 25-15, 16-25, 25-15, sa duelo ng mga nasa duluhan at angkinin ang ikalawang panalo laban sa pitong kabiguan.
Binanderahan ni Ruby Rovira ang Lady Tamaraws na may 19 puntos na lahat maliban sa tatlo ay galing sa atake, habang nag-ambag naman sina Mary Ann Manalo at Guenevere Baquir ng 12 at 10 puntos, ayon sa pag-kakasunod, nang dominahin ng Morayta-based squad ang Lady Pirates sa dalawang unang sets at bumagal sa ikatlo ngu-nit nanatiling buhay sa ika-apat patungo sa panalo.
Ang kabiguan ay ika-sampung sunod na Lyceum sa pagsasara ng double round elims ng event na hatid din ng Accel, Mikasa, Dunkin Donuts, Sportshouse, IBC-13 at Jemah Television.
Ang highlights na laro kahapon ay ipapalabas ngayong alas-7 ng gabi ayon sa organizing Sports Vision Management Group, Inc.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am