Bumangon ang Taft-based spikers mula sa masamang second-set performance at mapagwagian ang sumunod na dalawa tungo sa pagselyo ng tagumpay sa loob ng isang oras at 25 minutong bakbakan. Ito ang ikawalong sunod na panalo ng La Salle sa kanilang pag-usad sa two-games para makumpleto ang double-round eliminations ng event na hatid ng Shakeys Pizza.
Tuluyan namang gumuho ang pag-asa ng FEU na makatabla sa ika-apat at huling semis berth nang lasapin ng Lady Tamaraws ang kanilang 1-7 baraha may dala-wang laro na lang ang nalalabi.
Ngunit kahit mapagwagian pa ng FEU ang huling dalawang laro na ito, ang maaari lang nilang maabot ay makapag-poste ng tatlong panalo.
Pinayuko naman ng UST ang Lyceum, 25-16, 25-20, 25-12, sa isa pang laro para sa kanilang ikalimang panalo laban sa tatlong kabiguan.
Nalaglag naman ang Lady Pirates sa 0-9.
Ang isa pang sorpresang semifinalist ay ang San Sebastian, na may hawak ng 6-1 card.
Humakot ng 13 pun-tos si Maureen Penetrante kabilang na ang 10 sa atake nang kontrolin ng Lady Archers ang laban at makabalik mula sa masamang laban sa second set na nagbigay sa Lady Tamaraws ng panalo sa naturang set.
Ngunit pagdating ng ikatlong set, maayos na uli ang La Salle nang umis-kor ito ng kills sa mahigpit na depensa ni Penetrante sa harapan gamit ang kanyang taas at karanasan para makakolekta ng tatlong puntos sa event na ito na suportado din ng Accel, Mikasa, IBC-13 at Jemah Television.