Bagamat naglaho ang siyam na puntos na kalamangan at nagmintis si Fil-Am Anthony Washington ng dalawa sa kanyang apat na krusyal na free-throws, kinatigan pa rin ng suwerte ang Welcoat sa huling maiinit na segundo ng laro para mapreserba ang panalo na nagbigay sa kanila ng 1-0 bentahe sa best-of-five champion-ship series.
Matapos ma-split ni Washington ang kanyang freethrows, umiskor si Alex Compton ng tres upang higit na makalapit sa 80-81, 16.7 segundo na lamang.
Muling nakahugot ng foul si Washington kay Paul Guerrero ngunit isang freethrow lang uli ang kanyang naipasok na nagbigay pagkakataon sa Montaña, 82-80 ang iskor, 12.7 segundo pa.
Sa unang laro, umiskor ng jumper si Jett Latonio, 1.2 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro para sa 67-65 panalo ng Granny Goose laban sa natanggalan ng koronang Magnolia Ice Cream upang angkinin ang konsolasyong ikatlong puwesto.