^

PSN Palaro

Welcoat vs Montaña sa PBL Finals

-
Katulad ng sinabi ni Magnolia-FEU head coach Koy Banal, malaki ang bentahe ni Welcoat Paints mentor Caloy Garcia pagdating sa eksperyensa.

Pinatotohanan ito ng Paint Masters nang gibain ang Wizards, 70-67, sa kanilang do-or-die match sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinals series para umabante sa finals ng 2005 PBL Unity Cup kahapon sa Pasig Sports Center.

Sa kinuhang 3-2 pa-nalo sa serye, makakasa-gupa ng Welcoat ang Montaña Pawnshop para sa best-of-five champion-ship series na hahataw bukas sa Cuneta Astro-dome sa Pasay City, habang mag-aagawan naman ang Magnolia-FEU at Granny Goose Kornets para sa third place trophy.

Nakahirit ng 20 marka kay Fil-American Anthony Washington, 13 kay Leo Najorda at tig-12 kina Eugene Tan at Erwin Sta. Maria ang Welcoat sa pagsagupa nila sa Jewels ni Robert Sison sa finals.

Nagposte ng isang 10-point advantage ang Welcoat sa first half, 38-28, bago ito putulin ng Magnolia-FEU sa 60-64 mula sa isang basket at freethrow ni Denok Miranda sa 4:14 ng fourth quarter.

Isang jumpshot ni Washington at drive ni Tan ang naglatag sa 68-60 bentahe ng Paint Masters sa huling 3:09 ng sagu-paan hanggang makadikit ang Wizards sa 67-70 galing kina Miranda, Cesar Catli at Neil Rane-ses sa natitirang 17.7 tikada. (Ulat ni RCadayona)

CALOY GARCIA

CESAR CATLI

CUNETA ASTRO

DENOK MIRANDA

ERWIN STA

EUGENE TAN

FIL-AMERICAN ANTHONY WASHINGTON

GRANNY GOOSE KORNETS

PAINT MASTERS

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with