Ang tagumpay ni Alcano ang nagbigay din sa kanya ng sapat na tour points para umusad sa World Pool Champion-ships sa July.
Ang top 10 finishers sa ranking ay awtomatikong kuwalipikado sa naturang event.
Si Alcano ay may 80 puntos na sa kanyang 9th place.
"Masama lang ang pocketing ni Nickoy ngayon," ani Alcano. "Hindi naman nagkaka-layo ang lifetime record namin."
Nakuha ng ipinagma-malaki ng Calamba, Laguna ang abante sa ikatlong frame makaraan ang masamang prepa-rasyon ni Lining sa green six tungo sa tagumpay.
Nasa front end na ng 4-0 pagpapalitan ang minaniobra ni Alcano na nagbigay para sa one-sided affair.
Wala nang nagawa si Lining at ilang beses na nagmintis sa mga easy shots.
At ang pinaka-krusiyal ay sa 6th rack kung saan kumabyos si Lining sa dikit na tira sa No. 7 na nagbigay daan kay Alcano na linisin ang mesa at iposte ang 5-1 abante.
Sa isa pang semis match, kasalukuyang naglalaban sina Yang Chin Shun ng Chinese-Taipei at Gandy Valle ng Philippine habang sinu-sulat ang balitang ito.
Binigo ni Yang ang paboritong si Efren Bata Reyes, 9-8 habang nalu-sutan naman ni Valle ang hamon ng 16 anyos na si Wu Chia Ching, 9-8.