^

PSN Palaro

RP team humatak ng panalo vs Syria

-
Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Ito ang naisalarawan ni head coach Chot Reyes sa nangyari sa Philippine Team-San Miguel sa kani-lang kampanya sa 16th FIBA-Asia Champion’s Cup.

"In our game against the Jordanians, there was no quitters," wika ni Reyes. "We have the chance to tie it but it wasn’t to be. But still, I take my hats off to my players."

Tinalo ng RP-San Miguel ang Syria Army, 73-57, upang makasilip ng pag-asa sa pagsikwat sa 5th place kahapon sa kanilang loser versus loser match-up sa Ynares Center sa Antipolo City.

Makakatapat ng RP-San Miguel ngayong alas-2:45 ng hapon sa Araneta Coliseum ang Kuwait Club na tumalo naman sa Kazakhstan-Tobol, 96-87, sa ikalawang laro.

Ayon kay Reyes, ibabalik niya ang kanyang tropa sa National Training Pool na paghuhugutan ng mga bagong miyembro ng RP Team na isasabak sa 2005 South East Asia Basketball Association (SEABA) Championships ngayong Hunyo sa Singapore.

Kailangan ng mga Pinoy na makapasok sa finals ng SEABA para umabante sa FIBA-Asia Men’s Championships sa Setyembre sa Doha, Qatar. (Ulat ni RCadayona)

ANTIPOLO CITY

ARANETA COLISEUM

ASIA CHAMPION

ASIA MEN

CHOT REYES

KUWAIT CLUB

NATIONAL TRAINING POOL

PHILIPPINE TEAM-SAN MIGUEL

REYES

SAN MIGUEL

SOUTH EAST ASIA BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with