Kapwa nagsiguro ng puwesto sa crossover semifinal round ang Qatar-Al Rayyan at Iran-Saba Battery matapos manaig sa kani-kanilang karibal kahapon sa 16th FIBA-Asia Champions Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Binigo ng Qatar-Al Rayyan ang Kazakhstan-Tobol, 89-82, saman-talang tinalo naman ng Iran-Saba Battery ang Syria Army, 76-65, sa crossoverall quarterfinal round.
Makakasagupa ng mga Qatarians sa semis ang mananalo sa pagitan ng nagdedepensang Lebanon-Sagesse at Kuwait Club, kasalukuyang naglalaro habang sinusulat ang balitang ito kagabi.
Ang mananaig naman sa PhilippineTeam-San Miguel at Jordan-Fast Link, naglalaban rin kagabi sa huling laro sa alas-7:15, ang siyang haharapin ng Iran-Saba Battery sa semis ngayong gabi.
Kumabig ng 24 marka, 8 rebounds at 4 assists si American import Todd Day upang pangunahan ang Qatar-Al Rayyan, habang may 23 puntos, 10 boards at 4 assists naman si Erfan Ali Saeed.
Naitabla ng Qatar-Al Rayyan ang laro sa first half, 47-47 matapos silang iwanan ng Kazakhstan-Tobol sa first quarter, 25-30, mula kina Sergev Vdovin at Aleksanor Garsnin.
Sa unang laro, kinuha naman ng Indian Cagers ang 9th place nang pabagsakin ang United Arab Emirates-Sarjah, 92-82.