^

PSN Palaro

2005 Shakey’s V-League: Lady Archers hindi mapigil

-
Pinalawig ng La Salle ang kanilang winning run sa anim na sunod nang ipalasap nito ang kabiguan sa Lyceum at manatiling nasa unahan sa panimula ng second round ng 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Coliseum.

Kung ano ang ginawa ng Lady Archers sa pagtalo sa Lady Pirates noong unang round ay kanilang inulit kahapon, makaraang walisin ang kalaban sa isang oras at 9 minutong bakbakan, 25-18, 25-21, 25-17, at patatagin ang kanilang abante sa event na kanilang pinagharian sa 2004 second conference.

Pinasok ni Maureen Penetrante ang depensa ng Lyceum sa pamamagitan ng matutulis na spikes na nabigong pigilan ng Lady Pirates at makakuha ng 13 puntos.

Pinunan ni Michelle Carolino ang kanyang hindi magandang nilaro nang una nilang talunin ang Lyceum sa first round ng event na itinataguyod ng Shakey’s Pizza, nang kumana ito ng 13 point at makipagtulungan kay Penetrante na may 12 points na karamihan ay mula sa atake.

Lumaban ang walang suwerteng Lady Pirates ngunit hindi namintini ang pananalasa ng Lady Archers at lasapin ang kanilang ikaanim na sunod na pagkatalo sa torneong ito na inorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.at suportado ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.

Samantala, sa ikalawang laro, nasungkit ng University of Santo Tomas ang kanilang panalo makaraang umiskor ng straight-set panalo laban sa Far Eastern U, 25-16, 25-17, 25-21para sa kanilang 3-3 marka.

Solidong backup kina Penetrante at Carolino ang itinulong ni Concepcion Legaspi na may 9 puntos habang nagtala naman sina Manilla Santos at Desiree Hernandez ng tig-5 puntos para sa La Salle, na nagha-handa sa kanilang muling pagtatagpo nila ng Ateneo sa Lunes.

Ang mga tampok na aksiyon ng bakbakan ay ma-papanood mamayang gabi sa IBC-13 simula alas-7 ng gabi.

vuukle comment

CONCEPCION LEGASPI

DESIREE HERNANDEZ

FAR EASTERN U

JEMAH TELEVISION

KANILANG

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY PIRATES

MANILLA SANTOS

MAUREEN PENETRANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with