Welcoat, GG Kornets nanalo

Hindi pa ito ang oras upang makuha ng Montana Pawnshop ang inaasam nilang silya para sa best-of-five championship series.

Humugot si Cebuano standout JR Quinahan ng 17 marka, 5 boards, 4 shotblocks at 1 assist para tulungan ang Granny Goose Kornets sa 65-61 paggupo sa Montana sa Game 2 para sa kanilang 1-2 agwat sa best-of-five semifinals series ng 2005 PBL Unity Cup kagabi sa Pasig Sports Center.

Taliwas sa nangyari sa Jewels, kinuha naman ng Welcoat ang 2-1 lead sa kanilang serye ng nagde-depensang Magnolia-FEU nang angkinin ang 76-65 tagumpay sa unang laro.

Matapos malimita sa 1 puntos sa kanilang 52-76 kabiguan sa Wizards sa Game 1 noong Martes, kumamada si Fil-Ame-rican Anthony Washing-ton ng 16 marka, 11 rebounds at 2 assists para akayin sa panalo ang Paint Masters.

Bitbit ang 1-0 advantage bago simulan ang serye, kailangan lamang ng Montana at Welcoat na manalo ng isang beses upang makaabante sa final series. (Ulat ni RCadayona)

Show comments