Serye nais wakasan ng Jewels
June 2, 2005 | 12:00am
Kumamada ang nag-dedepensang Magnolia-FEU ng isang five-game winning streak sa eliminasyon sapul nang mabingwit si Fil-American Kelly Williams.
At sa Game 1 noong Martes, kumolekta ang 6-foot-7 na si Williams ng 19 puntos at 15 rebounds upang akayin ang Wizards sa kanilang pang anim na sunod na pagragasa mula sa 76-52 paggiba sa Welcoat Paint Masters at itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-five semifinals series.
Muling sasandigan ng Magnolia-FEU si Williams sa kanilang pakikipagkita sa Welcoat sa Game 2 ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang upakan ng Montaña Pawnshop at Granny Goose Kornets sa alas-4 sa 2005 PBL Unity Cup sa Pasig Sports Center.
Sa naturang panalo, isang freethrow lamang ang naibigay ni Fil-Am Anthony Washington para sa Welcoat sa loob ng 25 minuto.
Sa ikalawang laban, hangad naman ng Jewels na wakasan na ang kanilang serye ng Snackmasters makaraang kunin ang Game 1 buhat sa isang 64-58 tagumpay na nagbigay sa kanila ng 2-0 lead. (Ulat ni R.Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended