^

PSN Palaro

16th FIBA-Asia Champion’s Cup: Syria taob sa Qatar

-
Dumiretso sa kanilang ikatlong sunod na pananagasa ang Qatar-Al Rayyan nang payukurin ang Syria Army, 79-54, sa eliminasyon ng 16th FIBA-Asia Champion’s Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Tumipa si American import Todd Day ng 16 puntos, 5 rebounds at 4 assists para ibigay sa mga Qataris ang 3-0 baraha sa Group B, habang nalasap naman ng mga Syrians, pinamunuan ng 15 marka ni Filipino Anthony Rutland, ang pangatlong dikit nitong kamalasan.

Habang sinusulat ito, nakikipaghamok naman ang Philippine Team-San Miguel sa Iran-Saba Battery kung saan hangad ng tropa ni coach Chot Reyes ang 3-0 karta sa Group A.

Sakaling nanaig ang Nationals sa mga Iranians, haharapin nila sa crossover quarterfinal round ang No. 4 team sa Group B.

Sa unang laro, binigo ng Kuwait Club ang United Arab Emirates-Sarjah, 81-74, sa likod ng kinolektang 25 marka, 9 rebounds at 8 assists ni American reinforcement Chudney Grey.

Taglay ngayon ng Kuwait Club ang 2-2 baraha sa Group B kumpara sa 0-3 grado ng UAE-Sarjah.

ARANETA COLISEUM

ASIA CHAMPION

CHOT REYES

CHUDNEY GREY

FILIPINO ANTHONY RUTLAND

GROUP A

GROUP B

IRAN-SABA BATTERY

KUWAIT CLUB

PHILIPPINE TEAM-SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with