^

PSN Palaro

Montaña nalo; Welcoat bigo

-
Magkaibang landas ang tinungo ng Montaña Pawnshop at Welcoat Paints.

Habang nakuha ng Jewels ang 2-0 lead palapit sa inaasam na finals appearance nawala naman ito sa mga kamay ng Paintmasters.

Pinayukod ng nagdedepensang Magnolia-FEU ang Welcoat, 75-62 sa Game 1 upang itabla ang kanilang best-of-five semifinals series sa 1-1 sa 2005 PBL Unity Cup kagabi sa JCSGO Gym sa Cubao.

Kumolekta si Fil-American forward Kelly Williams ng 19 markers, 15 boards at 2 assists para banderahan ang Wizards kumpara sa 1 puntos na ginawa ni Fil-Am Anthony Washington sa tropa ng Paintmasters, nabaon sa 34-58 sa kaagahan ng fourth period.

Mula sa maikling 30-23 abante sa first half, nagposte ang Magnolia-FEU ng isang 17-point lead sa pagsasara ng third quarter patungo sa 58-34 pangunguna sa Welcoat sa unang tatlong minuto ng final canto.

Umiskor naman si Reed Juntilla ng 13 puntos para pamunuan ang Montaña sa 64-58 paggapi sa Granny Goose Kornets, habang nag-ambag ng tig-12 puntos sina Jon Dan Salvador at American Alex Compton.

Ang krusiyal na jumper ng 5’9 na si Compton sa nalala-bing 41.1 segundo ang nag-akay sa Jewels sa 62-58 lamang makaraan ang isang 3-pointer ni Jet Latonio para sa Snackmasters. (Ulat ni RCadayona)

AMERICAN ALEX COMPTON

FIL-AM ANTHONY WASHINGTON

GRANNY GOOSE KORNETS

JET LATONIO

JON DAN SALVADOR

KELLY WILLIAMS

MONTA

PAINTMASTERS

REED JUNTILLA

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with