"Sa wakas nanalo rin sa Pilipinas," ani Pagulayan matapos tumbukin ang money ball sa final rack.
Ito ang ikalawang major title para kay Pagulayan, na nanalo din sa Canadian Open nung nakalipas na buwan.
Subalit para kay Pagulayan, mas matamis sa kanya ang panalo sa Hope All-Filipino.
"Sa wakas nanalo din ako dito sa atin. Masarap ang pakiramdam na manalo sa sariling bayan. Damang-dama ko ang panalo kong kalahating milyon," anang 26-taong-gulang na Fil-Canadian.
Ang tagumpay ni Pagulayan ay nagkakahalaga ng P500,000 at naipaghiganti ang kabiguan kay Bustamate nang una silang magtagpo dito sa event na hatid ng Hope, Emperador, Outlast, Café Puro at DZRH.
Nag-uwi naman si Bustamante ng P200,000 bilang runner-up.