Lady Pirates sinakmal ng Lady Eagle
May 31, 2005 | 12:00am
Inilaglag ng Ateneo ang kanilang unang set ngunit malakas na nag-balik sa final three tungo sa paggupo sa kulang sa tao na Lyceum, 26-28, 25-15, 25-20, 25-13, kaha-pon at manatili sa kanilang ikatlong puwesto 2005 Shakeys V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum.
Binanderahan ni beach volley specialist Cecille Tabuena, na naglaro ng college ball para sa La Salle-Bacolod ang pag-atake sa kanyang naitalang 12 hits, lahat mula sa kills nang ilista ng Lady Eagles ang kanilang ikaapat na panalo kontra sa dalawang kabiguan sa torneong ito na hatid ng Shakeys Pizza.
At lahat ito ay galing sa tatlong sets nang magrally ang Katipunan-based school mula sa opening set na kabiguan.
"Its really part of my plan to play with my Ateneo players in the first set because I know they can get even better with the experience they get in this tournament," ani Ateneo coach Louie Gepuela.
Trinangkuhan nina Patricia Lyn Taganas at Rosario Soriano ang mga varsity players sa kanilang 12 at 9 puntos, ayon sa pagkakasunod na kara-mihan ay mula sa first set nang mahigpit na naki-paglaban ang Ateneo sa Lyceum ngunit natalo din sa naturang set.
Kasalukuyang naglalaban pa ang La Salle at UST habang sinusulat ang balitang ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended