Pagbabalik sa Shanghai
May 29, 2005 | 12:00am
SHANGHAI, China--Kamangha-mangha ang dami ng mga higanteng bata na lumahok sa adidas Superstar Camp dito.
Sa isang linggong pagsasanay, ang inyong lingkod ay napuno ng kaba para sa Pilipinas.
Sa 56 na lahok mula sa China, Korea, Australia, Taiwan at Pilipinas, 29 ang may taas na 67 o mas matangkad pa.
Tandaan nating 18 taong gulang pababa lamang ang mga manlalarong ito.
Maging ang dalawang lahok natin ay di makapaniwala.
"Nahirapan ako dahil sa sobrang laki nila," ani Tommy Babilonia. "Sa atin, matangkad na ako eh. Dito iba yung nilaro ko."
Noong ginanap ang All-star Game sa Shanghai Institute of Physical Education, naisali ang apat na 7 footer na Intsik. Kabilang ang isang 13 taong gulang na sumali pa sa three point shootout.
Ang isa naman ay sumama sa slam dunk contest. At nakayang mag-dunk ng dalawang basketball ng sabay.
"Kaya lang, hindi sila physical maglaro," dagdag ng manlalaro nating si Miguel Maniego. "Mas madalas nasa loob na, ititira pa sa labas. Pero pag gumaling pa itong mga ito, lalo tayong mahihirapan."
Sampu sa naglaro sa All-star Game ang pinili upang ipadala sa adidas Superstar Camp sa Atlanta sa Hulyo.
Kasama sina Jared Scoines at Steve Weigh ng Australia, pero hindi na nakapasa ang mga Pinoy sa sobrang liit.
Pati ang mga kasama ng inyong lingkod na mga NBA players ay nabigla.
"I was really surprised at how big these kids are," bungad ni NBA slam dunk champion Josh Smith ng Atlanta Hawks. "When we talk about Asia, you think evereybodys small."
Ang ibig lang sabihin, lalong lumalabo ang pag-asa ng Pilipinas na maghari sa basketball sa Asya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended