4th win asam ng SSC spikers

Bitbit ang kumpiyansa dahil sa tatlong sunod na panalo, haharapin ng San Sebastian College ang Ateneo ngayon at uma-sang malusutan ang kalaban upang makuha ang solo liderato sa 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakatakda ang laban sa ganap na alas 3 ng hapon kung saan mapa-panood ang tampok na laban bukas sa IBC-13 simula alas-7 ng gabi sa event na ito na hatid ng Shakey’s Pizza at suportado ng Accel, Mikasa, Jemah Television at IBC 13.

Samantala, maghaharap naman ang Lyceum College at Far Eastern University sa ganap na alas-5 ng hapon .

Show comments