Dinomina ng sumisikat na sprint sensation na si Ralph Waldy Soguilon, long jumpers Henry Dagmil at Marestella Torres ang kani-kanilang event na isang positibong senyales sa kanilang nalalapit na kampanya sa 23rd Philippine Southeast Asian Games.
Dagdag sa tatlong gintong medalya, nakopo din ng 8-man RP team ang ikalawang silver medal mula naman kay two-time Olympian at reigning SEA Games long jump champion Lerma Bulauitan-Gabito at dalawa pang bronze galing naman kina Honey Joy Ortaliz at Sean Guevarra.
Sa kabuuan, ang Pinoy tracksters ay nagtapos na may 3-2-3 medal tally sa two-day meet na tinampukan ng 10 bansa mula sa Asian region at US.
Ang kampanya ng koponan dito ay ginastusan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. at San Miguel Corp. sa pamamagitan ng Godfather program ng First Gentleman Foundation ni Atty. Jose Miguel Arroyo sa suporta ng Philippine Sports Commission.