^

PSN Palaro

Pinoy trackster humakot ng 3 ginto

-
KAOHSIUNG, Taiwan – Humakot ng tatlong gintong medalya ang RP track and field team para tapusin ang kanilang kampanya sa 2005 Chinese Taipei International Athletic Meet sa Kaohsiung County Stadium dito.

Dinomina ng sumisikat na sprint sensation na si Ralph Waldy Soguilon, long jumpers Henry Dagmil at Marestella Torres ang kani-kanilang event na isang positibong senyales sa kanilang nalalapit na kampanya sa 23rd Philippine Southeast Asian Games.

Dagdag sa tatlong gintong medalya, nakopo din ng 8-man RP team ang ikalawang silver medal mula naman kay two-time Olympian at reigning SEA Games long jump champion Lerma Bulauitan-Gabito at dalawa pang bronze galing naman kina Honey Joy Ortaliz at Sean Guevarra.

Sa kabuuan, ang Pinoy tracksters ay nagtapos na may 3-2-3 medal tally sa two-day meet na tinampukan ng 10 bansa mula sa Asian region at US.

Ang kampanya ng koponan dito ay ginastusan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. at San Miguel Corp. sa pamamagitan ng Godfather‚ program ng First Gentleman Foundation ni Atty. Jose Miguel Arroyo sa suporta ng Philippine Sports Commission.

CHINESE TAIPEI INTERNATIONAL ATHLETIC MEET

FIRST GENTLEMAN FOUNDATION

HENRY DAGMIL

HONEY JOY ORTALIZ

JOSE MIGUEL ARROYO

KAOHSIUNG COUNTY STADIUM

LERMA BULAUITAN-GABITO

MARESTELLA TORRES

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with