Pinabagsak ng tambalan ng Vietnam SEA Games gold medalist na sina Gretchen Malalad at Cherli Tugday ang Iran at Romania sa womens team kumite upang makuha ang ginto sa nasabing kompetisyon na tinaguriang Giochi deli Adriatico di karate (Adriatic Karate Competitions).
Ipinamalas rin ni Malalad, bronze medalist sa Asian Games sa Busan, South Korea ang kanyang supremidad laban sa mga lahok mula sa Iran at Italy upang dominahin ang 60kgs. and above womens kumite.
Winalis rin ni Tugday, bronze medalist rin sa Busan Asiad ang kan-yang mga karibal mula sa Italy at Russia upang makopo ang ginto sa 60kgs. and below womens kumite.
Sa mens kumite, pinataob naman ng troika nina Vietnam SEA Games bronze medalist Junel Perania at ng sumisikat na si Bernardino Chu at Irineo Toribio ang tatlong Italian teams at isa pang koponan mula sa India para sa gintong medalya sa kompetisyon na humakot ng mahigit 1,000 partisipante na kumatawan sa 72 karate clubs.
Nagwagi rin si Toribio laban sa Indian at Russian rival para sa pagbulsa ng ginto sa 60kgs. and below mens kumite, ayon sa pagkakasunod.