^

PSN Palaro

Red Horse-RP Karatekas umani ng 5 gintong medalya

-
Ang lima kataong Red Horse Extra Beer-Philippine Karatedo team na kasalukuyang nasa Italy para sumailalim sa tatlong buwang training at exposure na itinataguyod ng San Miguel Corporation ay agad nakapagsubi ng limang ginto at dalawang bronze medals sa international tournament sa Italian City ng Termoil ilang araw pa lamang sapul ng dumating sila sa naturang bansa.

Pinabagsak ng tambalan ng Vietnam SEA Games gold medalist na sina Gretchen Malalad at Cherli Tugday ang Iran at Romania sa women’s team kumite upang makuha ang ginto sa nasabing kompetisyon na tinaguriang ‘Giochi deli Adriatico di karate’ (Adriatic Karate Competitions).

Ipinamalas rin ni Malalad, bronze medalist sa Asian Games sa Busan, South Korea ang kanyang supremidad laban sa mga lahok mula sa Iran at Italy upang dominahin ang 60kgs. and above women’s kumite.

Winalis rin ni Tugday, bronze medalist rin sa Busan Asiad ang kan-yang mga karibal mula sa Italy at Russia upang makopo ang ginto sa 60kgs. and below women’s kumite.

Sa men’s kumite, pinataob naman ng troika nina Vietnam SEA Games bronze medalist Junel Perania at ng sumisikat na si Bernardino Chu at Irineo Toribio ang tatlong Italian teams at isa pang koponan mula sa India para sa gintong medalya sa kompetisyon na humakot ng mahigit 1,000 partisipante na kumatawan sa 72 karate clubs.

Nagwagi rin si Toribio laban sa Indian at Russian rival para sa pagbulsa ng ginto sa 60kgs. and below men’s kumite, ayon sa pagkakasunod.

ADRIATIC KARATE COMPETITIONS

ASIAN GAMES

BERNARDINO CHU

BUSAN ASIAD

CHERLI TUGDAY

GRETCHEN MALALAD

IRINEO TORIBIO

ITALIAN CITY

JUNEL PERANIA

RED HORSE EXTRA BEER-PHILIPPINE KARATEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with