^

PSN Palaro

La Salle kakalas sa San Sebastian

-
Sisikapin ng La Salle na makakalas sa kanilang tanikala ng San Sebastian sa kanilang nakatakdang pakikipagsagupa sa wala pang panalong Lyceum kung saan susubukan ng defending champion University of Santo Tomas ang tikas ng Ateneo sa pagbabalik ng 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Memorial Coliseum’

Winalis ang kanilang naunang dalawang asig-natura sa isang mahusay na panalo, mahigpit na paborito ang Lady Archers na manalo laban sa Lady Pirates bagamat inaasahang pipiliting bumangon ng Muralla-based spikers mula sa kanilang dalawang sunod na kabiguan upang palakasin ang kanilang kampanya sa tournament na ito na itinataguyod ng Shakey’s Pizza.

Nakatakda ang sagupaan ng Lady Archers at Lady Pirates sa alas-3 ng hapon, habang isusunod ang paghaharap ng UST-Ateneo sa alas-5 ng hapon. Ang highlights ng dalawang nasabing laro ay ipalalabas sa IBC-13 simula sa alas-7 ng gabi bukas, ayon sa organizing Sports Vision Management Group, Inc.

Nakasandig sa matikas na puwersa ng tambalang Michelle Carolino aty Maureen Penetrante, umiskor ang second conference champion Lady Archers ng panalo 25-21, 25-20, 25-20 na panalo laban sa Far Eastern U netters upang makasalo ang SSC belles sa lide-rato.

Sa kabilang dako naman, tangka naman ng Tigresses na masundan ang kanilang 25-16, 25-19, 25-17 pananaig laban sa Lady Pirates noong Huwebes na ang nasabing panalo ang naghatid sa UST na makabalik sa kanilang kampanya matapos na mabigo sa Lady Stags sa opening ng tournament na ito na suportado rin ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.

Ngunit siguradong hahataw ang Ateneo na babanderahan nina Amelia Guanco, miyembro ng RP team na nagbigay sa bansa ng huling Southeast Asian Games gold medal sa Singapore noong 1993 katulong ang maliit ngunit mabilis na si Charlie Tan na miyembro naman ng Philippine Sports Commission squad na nakarating sa semifinals noong nakaraang conference.

vuukle comment

AMELIA GUANCO

ATENEO

CHARLIE TAN

FAR EASTERN U

JEMAH TELEVISION

KANILANG

LA SALLE

LADY

LADY ARCHERS

LADY PIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with