Nagtulong sina Mary Jean Balse at Venus Bernal sa pinagsamang 25 puntos ng UST, 18 nito ay mula sa kills bagamat umeksena ang tambalang Joyce Pano at Joan Botor-Carpio para sa pasiklab ng Tigress na humiya sa Lady Pirates sa sariling balwarte sa event na hatid ng Shakeys Pizza.
Ang nagbabalik na si Pano, miyembro ng España-based squad nang una silang mag-kampeon sa torneo na naglalayong maibalik ang womens volleyball sa bansa at hindi nakapaglaro sa second conferece dahil sa graduation, ay nagpakawala ng 10 hits na karamihan ay mula sa first set na nagtakda ng tono para sa isang oras na tagumpay ng UST.
Malaking kawalan sa Lyceum ang pagkawala ni Angelica Bigcas, ang kanilang pangunahing hitter na na-injured ang kanang balikat.
Sa ikalawang laro, naitala ng La Salle ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Far Eastern University, 25-21, 25-20, 25-20, at makisos-yo sa liderato sa San Se-bastian na may magkatu-lad na 2-0 win-loss card.
Bagamat tinangkang punan nina Dahlia at Charissa Fe Genido ang puwesto ni Bigcas, sa kanilang pagkamada ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod, hindi naging sapat iyon sa agresibong laro ng Tigress sa tornoeng ito na suportado din ng Accel, Mikasa, IBC 13 at Jemah Television.