National Youth and Women's Boxing susuntok ngayon
May 15, 2005 | 12:00am
Inilatag na ang red carpet para sa mahigit 200 boxers na kakatawan sa 21 koponan mula sa ibat ibang bahagi ng bansa na lalahok sa National Youth and Womens Amateur Boxing Championships na magsisimula ngayon sa Puerto Princesa City.
Mismong si Mayor Edward Hagedorn, nagbukas sa promotion ng sports tourism, ang nagsiguro sa mga atleta, opisyal at panauhin ng Puerto Princesa sa hospitalidad at pagkabihasa sa pag-organisa ng mga pangunahing sports event
"We welcome all the athletes, officials and guests to the City of Puerto Princesa," ani Hagedorn sa bisperas ng opening ceremonies na nakatakda ngayong alas-2 ng hapon sa state-of-the-art Puerto Princesa Coliseum.
Ang paboksing na ito, na inorganisa ni Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez, ang isa na namang pangunahing event sa Puerto Princesa.
Ang National Youth and Womens Amateur Championships ay tatampukan ng kompetisyon sa Kids (11 weight divisions), School Boys (16), Cadet (13) at Junior (12) at 13 weight classes sa Female category para sa boxers na higit sa 17 anyos pero di bababa sa 34 anyos.
Pormal na magsisimula ang kompetisyon sa ganap na alas-3 ng hapon bukas, Lunes, Mayo 16.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended