^

PSN Palaro

NCR umani ng 8 na ginto

-
Iloilo City -- Nagsilbing ‘mina’ ng ginto ang swim-ming pool para sa National Capital Region.

Kumolekta ang NCR tankers ng walo sa kabu-uang 16 gold medals, tinampukan ng dalawang record-breaking perfor-mance, na inilatag kaha-pon sa swimming event ng 2005 Palarong Pam-bansa dito sa Iloilo Sports Complex.

Naglista ang 15-anyos na si Ryan Arabejo ng bagong 4:08.36 sa secondary boys‚ 400-meter freestyle para basagin ang dating 4:11.79 ni Carlo Piccio ng Western Visayas noong 1998, habang ibinasura naman ng elementary girls‚ team ang luma nilang 2:19.53 noong 1998 para sa mainit na 2:18.27.

Hindi rin nagpaiwan ang CALABARZON nang humugot ng limang ginto, limang pilak at dala-wang tansong medalya kasunod ang Bicol (1-2-3), Western Visayas (1-2-2) at Southern Mindanao (1-1-2).

Sa athletics, naglista ng bagong Palaro record si Sonny Boy Tartana ng NCR sa elementary boys‚ discuss throw nang maghagis ng 36.12m para burahin ang 2003 mark na 36.04m ni Alejandro Lonzaga ng Davao at ibulsa ang ginto.

Sa kabila ng ibinatong 13.40m ni Rey Dennis Bacay ng Western Visayas para sa gold medal sa secondary boys‚ shot put, hindi pa rin ito ikinunsidera bilang kapalit ng 15-year-old record na 13.19m ni Arthur Enon.

"Ang standard weight kasi ng iron ball is 6 kilos. Ang nabili ng DepEd ay 5.44 kilos lang, kaya hindi puwedeng maging new record ‘yong kay Bacay," ani two-time Olym-pian Claro Pellosis, technical official ng athletics.

Ibinigay naman ni Belinda Jimenez ang unang ginto ng MIMAROPA nang pagreynahan ang secondary girls‚ triple jump sa inilistang 11.24m.

Bukod kina Tartana, Bacay at Jimenez, ang iba pang kumuha ng ginto ay sina Michael Angelo Franial ng Central Visayas sa secondary boys‚ triple jump (13.90m) at Ma. Queenie Tudillo ng Western Visayas sa secondary girls‚ javelin throw (33.50m)

Sa gymnastics sa Lega-nes Sports Complex, dala-wang ginto ang sinilo ng NCR mula sa rhythmic secondary girls‚ individual (Maga Wagan) at sa secondary team event kagaya ng CALABARZON sa artistic elementary boys‚ individual (Jomel Monteliano) at sa elementary boys‚ team event.

Sa boxing sa Jaro Plaza Gym, pumasok sa semifinals sa powderweight class sina Victorio Salluat (Davao), Arian Compacion (Western Visayas), Arnold Bueno (Bicol) at Jomarie Yuson (Central Visayas). (Russell Cadayona)

vuukle comment

ALEJANDRO LONZAGA

ARIAN COMPACION

ARNOLD BUENO

ARTHUR ENON

BACAY

BELINDA JIMENEZ

BICOL

CARLO PICCIO

CENTRAL VISAYAS

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with