Binanderahan ni JayR Quiñahan ang Snackmasters sa kanyang tini-radang career-high na 27 points.
Naging isang magaling na lider sa loob ng court si Quiñahan, nang hindi niya hinayaang makalapit ang Paint Masters, pilit man siyang dinipensahan nina Marvin Ortiguerra at Paolo Orbeta hindi pa rin siya naharang sa pagkamada sa basket, idagdag pa ang magandang laro ng kanyang kasamahang sina Dennis Concha at Ian Saladaga.
Maganda ang gising ng Snackmasters, lalo na kung ang kakaharapin nila ay isa sa mga higante at magagaling na koponan sa torneo, katulad na lamang ng palasapin nila ng unang pagkatalo ang nangungunang Montaña Jewels.
Sa ikalawang laro, humakbang papalapit ang Motaña sa awtoma-tikong semis nang igupo ng Wizards ang Bacchus. (Ulat ni Raquel Reyes)