^

PSN Palaro

Magpaliwanag kayo

-
Pinagpapaliwanag ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco ang Basketball Association of the Philippines ukol sa kanilang bagong resolusyon na sila lamang ang may awtoridad sa pagbuo ng National team para sa iba’t ibang international tournaments na nagbalewala sa kanilang pakikipagkasundo sa POC at Philippine Basketball Association.

Binigyan ni Cojuangco ng tatlong araw ang BAP para magpaliwanag o kung hindi, ay nakaamba ang mabigat na parusa na posibleng umabot sa pagbawi ng POC sa pagkilala sa BAP.

"It comes to us as a surprise that the BAP is reneging on this commitment. May we seek your written explanation within three days from receipt hereof, otherwise we shall be constrained to initiate sanction on the BAP such as but not limited to the withdrawal of recognition of BAP as the NSA for Basketball," wika ni Cojuangco sa kanyang sulat kay Tiny Literal, pangulo ng BAP.

Matatandaang nakipagkasundo ang BAP sa POC, PBA at sa iba pang stakeholders sa basketball na makikipagtulungan sila sa working committee ng POC at sa technical committee, training staff at coaching staff na nilikha ng PBA sa isang pagpupulong noong Abril 19 na pinagtibay ng isang resolusyon ng BAP noong Abril 21.

Ngunit binawi ito ng BAP kamakalawa sa paglikha ng bagong reso-lusyon na sila lamang ang may awtoridad sa pagbuo ng National team kasabay nito ay iginiit nilang mananatili ang national training team gayundin ang coach na si Boysie Zamar para sa SEABA na gaganapin sa darating na buwan.

"Given the proximity of the SEABA and the Southeast Asian Games and the stakes thereafter, involving no less than the country’s honor, bickerings and sudden shifts in directions are luxuries that the POC and the country can ill afford," wika pa ni Cojuangco sa kanyang liham.

Dahil dito, isang malaking kaguluhan ngayon ang bumabalot sa basketball na nag-udyok sa PBA para rebisahin ang kanilang commitment sa BAP sa board meeting na gaganapin sa Lunes.

"The PBA should restudy its position. We don’t want to be involve in a mess. We want to be the solution than be involve in a problem," wika ni PBA Chairman Buddy Encarnado.

Ayon kay Encarnado, ang pinakahuling desisyon ng BAP ay isang pagbalewala kay coach Chot Reyes na siyang nangangasiwa ng National pool kung saan pinagsamasama ang training pool ng BAP at PBA na dinagdagan ng mga PBL players kung saan huhugutin ang National team para sa SEABA na isa sa mga napagkasunduan noong Abril 19.

Ayon kay Encarnado, bagamat wala sa Memorandum of Agreement ng BAP at PBA ang SEABA, pumayag ang PBA Board na tumulong sa SEABA para sa national interest. (Ulat ni CVOchoa)

ABRIL

AYON

BAP

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOYSIE ZAMAR

CHAIRMAN BUDDY ENCARNADO

CHOT REYES

COJUANGCO

ENCARNADO

PBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with