2 golds binuhat ng RP powerlifting team

Nag-uwi ang tatlo-kataong miyembro ng Philippine powerlifting team ng dalawang gold at isang silver medals sa kanilantg matagumpay na kampanya sa Asian Powerlifting Cham-pionships na ginanap sa Alleppy, Kerala, India kamakailan.

Ibinigay nina Richie Rosales at Eddie Torres ang dalawang ginto sa 75kgs weight (senior division) at 100kg weight classes (Master 1 division), ayon sa pagkakasunod, habang ang nag-iisang silver ay mula naman sa bagitong si Ronnie Martinez (Master 2 division) sa tournament na ito na nilahukan ng mahigit sa 200 manlalaro mula sa Iran, Iraq, Nepal, Taiwan, Japan, Oman, Korea, United Arab Emirates, Kazakhstan, Uzbe-kistan, Hong Kong at India.

Tinalo naman ni Rosales, ang fitness trainer at tumanggap ng citation mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA) noong nakaraang taon, ang lima pa niyang kalaban sa kanyang division nang bumuhat ito ng 413 lbs. sa benchpress event.

Pinagkalooban din si Torres ng Man of Asia trophy para sa best lifter sa kanyang division.

Show comments