^

PSN Palaro

Pinoy netters umusad sa World Junior Championship

-
Sumandig ang Philippines sa tandem nina Kyle Joshua Dandan at Ralph Kevin Barte upang gapiin ang seventh seed Chinese Taipei, 2-1 kahapon at umusad sa World Junior Championship sa Barcelona.

Isinalba nina Dandan at Barte, na nagsimulang lumaro lamang noong na-karaang taon ang kampanya ng Filipinos matapos na iposte ang 2-6, 6-3, 6-2 tagumpay laban sa pares nina Hsu-Chun Huang at Hsie-Yin Peng sa doubles ng Junior Davis Cup Asia-Oceania qualifying zone sa Manila Polo Club covered courts.

Binigyan din ni Dandan, na nakatakdang umalis patungong Europe sa susunod na linggo ng panibagong pag-asa ang Philippines nang manaig ito kay Hsien-Yin Peng, 6-2, 6-3 matapos na yumukod si Barte, ipinagmamalaki ng Davao City sa kalabang si Hsu-Chun Huang, 1-6, 2-6 sa opening singles.

Tangka ngayong umaga ng Philippines, na nag-sweep sa elimination round, at ang final berth laban sa Australia, ang top-seed sa isang linggong tournament na ito na suportado ng Wilson balls at Astoria Plaza Hotel.

ASTORIA PLAZA HOTEL

CHINESE TAIPEI

DANDAN

DAVAO CITY

HSIE-YIN PENG

HSIEN-YIN PENG

HSU-CHUN HUANG

JUNIOR DAVIS CUP ASIA-OCEANIA

KYLE JOSHUA DANDAN

MANILA POLO CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with