^

PSN Palaro

Nasa poder kontra nasa tama

GAME NA! - Bill Velasco -
Hindi pa rin lumalamig ang situwasyon ng pagbubuo ng pamban-sang koponan sa basketbol. Sa katunayan, lalo lamang lumalala. Ang nangyayari, magkabilang panig ang nagsasabing sila ang may karapatan na magpatakbo ng programa para sa SEABA at SEA Games.

Ang unang tanong ay kung sino ang nasa poder. Ang sagot diyan, ang Basketball Association of the Philippines ay may katungkulan at karapatan na magbasbas sa koponang kakatawan sa Pilipinas sa labanan sa labas ng bansa.

Ang hindi kasali dito ay ang mga commercial tournaments o club tournaments. Ang ikalawang tanong: sino ba ang dapat bumuo ng koponan?

Sa pananaw ng Philippine Olympic Committee, may karapatan silang manghimasok, dahil ipinamalas diumano ng BAP na hindi nila kaya ang bumuo ng isang malakas na koponan para sa iba-ibang labanan. Sa pananaw naman ng BAP, sila pa rin ang dapat masunod, dahil sila ang kinikilala ng FIBA. Sa tingin nila, walang ibang dapat magmando sa pambansang koponan. Sa tingin nila, sila ang nasa tama.

Ang dapat gawin ng magkabilang panig ay ito: kumuha ng opinyon mula sa International Olympic Committee at sa FIBA. hayaan na nilang ang pandaigdigang awtoridad na ang magpasya kung sino ba talaga ang dapat sumaklolo sa ating pambansang koponan. Ang hindi naman maintindihan sa mga iba diyan ay bakit, noong hindi hinahawakan ng BAP ang national team, nagrereklamo silang hindi nagta-trabaho. Ngayong kumikilos na ang BAP, katuwiran bakit hindi na lang daw ibigay sa iba. Ang gulo, hindi ba?

Ang problema ay ang kakulangan ng diplomasya. Maging ang ibang manunulat at kolumnista ay napakalakas ng loob manlait, kahit hindi nila alam ang istorya. Matataas pa ang noo, kahit nalaman nilang kulang sila sa impormasyon, o mali ng akala. May nakapagsabi na, nang maghalo na ang mga manlalaro ng RP Cebuana Lhuillier at PBL sa tryouts na ipinatawag sa Ateneo de Manila, ilan sa mga nangungutya ang nagulat na mas matatangkad pa pala ang mga tinitira nilang RP Cebuana Lhuillier.

Walang masama sa tulong na binibigay ng PBA, kahit hindi na nila trabaho iyon. Sa katunayan, iyan ang pinakamalaking patunay na hindi nagawan ng BAP ng paraan na bumuo ng permanenteng national team. At siyempre, para siguradong may kahihinatnan ang kanilang paghihirap, gusto nilang masigurado ang pagkakapanalo sa SEABA.

Diplomasya lamang ang solusyon diyan. Ang nagyayari kasi, sa lakas ng dating ng pagmamagandang-loob ng POC at PBA, napag-iiwanan ang BAP. Kaunting paggalang lang, at mas gaganda ang usapan.

ATENEO

BAP

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CEBUANA LHUILLIER

DIPLOMASYA

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

KAUNTING

MATATAAS

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with