^

PSN Palaro

3rd win ikokonekta ng Talk N Text

-
Sisikaping maikonekta ng Talk N Text ang ikatlong sunod na panalo na magdadala sa kanila sa pakikisalo sa pamumuno habang isasalang naman ngayon ng Purefoods ang kanilang bagong import na si Lorenzo Coleman upang higit na palakasin ang kanilang kampanya sa Gran Matador PBA Fiesta Conference na magpapatuloy ngayon sa Araneta Coliseum.

Ang Red Bull ang makakasagupa ngayon ng Phone Pals sa tampok na laro sa alas-7:35 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng magkapatid na koponang Coca-Cola at TJ Hotdogs sa alas-4:45 ng hapon.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Talk N Text na makisalo sa liderato matapos ang nakaraang panalo laban sa Sta. Lucia Realty, 98-92 sa Cavite City noong Sabado.

Naiwan ang Phone Pals sa 7-4 karta katabla ang pahinga ngayong San Miguel Beer sa likod ng kasalukuyang leader na Alaska matapos ang 89-78 panalo laban sa Coca-Cola noong Linggo.

Hangad ng Purefoods na masundan ang kanilang 95-82 panalo laban sa Shell sa Balanga, Bataan noong Huwebes na tumapos ng kanilang five-game losing streak sa tulong ni Coleman na nakalista sa taas na 7-foot-1 at may 300 pounds na pangangatawan.

Bukod sa pagkaka-taong makabalik sa liderato, pagkakataon din ngayon ng Talk N Text na makabawi sa masaklap na pagkatalo sa Red Bull.

Sa unang pagkikita ng Phone Pals at Barakos na naganap sa Bohol noong Abril 21, nasayang ang kanilang naipundar na 15-puntos na kalamangan matapos malasap ang 102-104 kabiguan. (Ulat ni CVOchoa)

ANG RED BULL

ARANETA COLISEUM

CAVITE CITY

COCA-COLA

FIESTA CONFERENCE

GRAN MATADOR

LORENZO COLEMAN

LUCIA REALTY

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with