^

PSN Palaro

Mas malaki at kasiya-siya sa URBL

-
Mas malaki at kasiya-siya ang pagbubukas ng ikalawang edisyon ng United Regional Basketball League (URBL) sa huling bahagi ng kasalukuyang buwan sa state-of-the-art Quezon Convention Center sa Lucena City.

Pawang mga abala na ang lahat ng limang orihinal na miyembro--ang defending champion M. Lhuillier-Cebu City, Quezon Coco Huskers, runner-up Ilocos Snipers, Harbour Centre-Pampanga at Lactovitale-Cebu Province sa kani-kanilang preparasyon para sa nalalapit na season.

Magdadaos ang Quezon Huskers ngayong araw ng tryout mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-2 ng hapon sa Koliseyum ng Bayan Gym sa Washing-ton, Makati.

Kamakailan naman, umalis ang M. Lhuillier patungong Dubai, United Arab Emirates upang sumabak sa First Sheik Hamdan Tournament na magsisimula bukas. Ang naturang tournament ay inorganisa ng An-Nasr Sports Club bilang pagbibigay parangal kay Sheikh Hamdan Bin Rashid Al Maktoum ang Deputy Emir ng Dubai at Minister of Finance and Industry, at ito ay lalahukan ng mga iba pang Asian powerhouse teams mula sa Qatar, Jordan, Iran, Saudi Arabia, Japan, South Korea, China at Kazakhstan at host UAE.

Unang makakasagupa ng M. Lhuillier ang Champville-Lebanon sa Miyerkules at kasama niya sa grupo ang Al Nasr-UAE at Al-Wahda-Syria sa Group A. Ang Group B ay binubuo naman ng Al Wasl-UAE, Saba Batri-Iran, Al Ittihad-Syria at Sporting Lebanon.

At upang lalong mapalakas ang koponan, hinugot ni Alcoseba ang serbisyo ng 6’4 ng Richmond University graduate na si Kinte Smith upang palakasin ang kanilang lineup na binubuo ng STI URBL MVP Woodraw Enriquez, Bong Marata, James Laygo, Jessie Lumantas, Leode Garcia, Champion Cañoneo, Carlos Sayon, Marlon Piodo, Alan Caputolan, Leo Bat-og, Aldrin Ocañada at Danny Aying.

AL ITTIHAD-SYRIA

AL NASR

AL WASL

ALAN CAPUTOLAN

ALDRIN OCA

AN-NASR SPORTS CLUB

ANG GROUP B

BAYAN GYM

BONG MARATA

CARLOS SAYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with